NANANATILING ikalawang largest exporter ng pinya ang Pilipinas.
Batay sa datos ng United Nations Food and Agriculture Organization (UNFAO), bagama’t hindi pa umabot ng 626-K metric tons gaya noong 2019, nasa 600-K metric tons na ang na-export na pinya nitong 2023.
Mas mataas ito ng 2.7% noong taong 2022.
Leading consumer naman ng pinya ng Pilipinas ay ang China at sinundan ito ng Japan at Korea.
Samantala, ang top 1 exporter ay ang Costa Rica.