Pilipinas, nangakong patuloy na tatanggap ng refugees—DOJ

Pilipinas, nangakong patuloy na tatanggap ng refugees—DOJ

TINIYAK ng Department of Justice (DOJ) na mananatiling bukas ang Pilipinas sa pagtanggap ng mga refugees at biktima ng giyera sa Ukraine na mangangailangan ng asylum o proteksiyon dito sa bansa.

Ipinaliwanag ni DOJ Undersecretary Raul Vasquez na matagal nang bahagi ng polisiya ng Pilipinas na tumanggap ng mga refugee at mga dayuhang biktima ng karahasan at pananakot na nangangailangan ng proteksiyon.

Sa pagtataya ng DOJ Office of the State Counsel ay mahigit 1,000 refugee ang kasalukuyang nasa Pilipinas, na karamihan ay mula sa Middle East at Africa at marami na rin ang naghain ng aplikasyon para maging refugee, habang wala pang aplikasyon para sa naturalization o nagnanais na maging Filipino citizen.

Inilabas ng DOJ ang pahayag matapos ang naging pulong nina Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. at Ukraine President Volodymy Zelenskyy.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble