Pilipinas, nangunguna na sa may pinakamaraming COVID-19 cases sa Southeast Asia

Pilipinas, nangunguna na sa may pinakamaraming COVID-19 cases sa Southeast Asia

NANGUNGUNA ang Pilipinas sa mga bansa sa Southeast Asia na may pinakamaraming kaso ng COVID-19.

Sa ngayon, umabot na sa 119,460 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa bansa.

Naging pangalawa na ang bansang Indonesia na mayroong 118,753 na kaso matapos maungusan ito ng Pilipinas sa mga bansa na may maraming bilang ng COVID-19 sa Southeast Asia.

 

Samantala, nangunguna naman sa mga lugar sa bansa na nakapagtala ng pinakamaraming panibagong kaso ng COVID-19 sa nakalipas na magdamag ang Metro Manila na may 2,041 cases.

Sinundan naman ityo ng Laguna na may 222, Cebu-221, Cavite-100, at ang Rizal may 81 panibagong kaso ng COVID-19.

Sa kabila nito, umabot na sa 66,837 ang bilang ng mga gumaling na sa bansa at 2,150 na ang namatay.

 

ADIDAS PH

Samantala, umakyat na sa mahigit 19 na milyong katao ang infected ng COVID-19 sa buong mundo.

DILG, tiwalang bababa ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa pag-iral ng MECQ

Tiwala ang Department of the Interior and Local Government (DILG) na bababa ang bilang kaso ng COVID-19 sa muling pagpapatupad ng Modified Community Quarantine sa Metro Manila.

Sinabi ni Secretary Eduardo Año na naniniwala siya na sa loob ng 15 araw ay bababa ang bilang ng mga infected.

Kinakailangan lamang aniya na huwag nang maging pasaway at sumunod sa mga ipinatutupad na protocols.

 

Althea Philippines

Inihayag din ni Año na hindi na ito pabor sa muling pagpapalawig ng MECQ dahil sa masamang magiging epekto nito sa ekonomiya ng bansa.

Tiniyak naman ng kalihim kanilang pag-aaralan ang figures pagtapos ng MECQ ay gagawa ng hakbang upang mabalanse ang sitwasyon ng health at economy ng Pilipinas.

SMNI NEWS

WoodProfit

Leave a Reply

Your email address will not be published.