Pilipinas, nangunguna sa budget transparency sa Timog-Silangang Asya

Pilipinas, nangunguna sa budget transparency sa Timog-Silangang Asya

NAPANATILI ng Pilipinas ang pangunguna nito sa Public Participation Indicator ng 2021 Open Budget Survey (OBS), na isinagawa ng International Budget Partnership, isang kilalang budget analyst firm sa buong mundo.

Ibinahagi ito ng Office of the Press Secretary kung saan lubos namang ikinatuwa ng Department of Budget and Management (DBM) ang naturang balita.

Nangako naman ang pamahalaan na gagawin nito ang lahat para patuloy na ipakita ang kahalagahan ng ‘transparency’.

Partikular sa paglalaan ng pondo sa bawat programa ng administrasyong Marcos.

Sa OBS, sinusukat ang 3 mahahalagang pamantayan na may kaugnayan sa good governance at accountability, tulad ng transparency; pormal na mga pagkakataon para sa public participation sa budget process; at ang gampanin ng budget oversight institutions sa budget process.

Follow SMNI NEWS in Twitter