Pilipinas, nangunguna sa “Taylor Swift” search term sa Google

Pilipinas, nangunguna sa “Taylor Swift” search term sa Google

NANGUNGUNA ang Pilipinas sa Google search para sa American singer-songwriter na si Taylor Swift.

Mula Hulyo 2 hanggang 8, nakapagtala ang Pilipinas ng 100% para sa “Taylor Swift” search term.

Partikular na mataas ang CALABARZON na sinundan ng Metro Manila, Central Luzon, Bicol at Western Visayas.

Kasunod ito sa release ng re-recorded album na “Speak Now” Taylor’s version at matapos inanunsiyo ang ticket sales para sa Singapore leg ng “The Eras” tour ng singer-songwriter.

Samantala, pumapangalawa ang Singapore na may 87%; Estados Unidos na may 79%; Australia na may 74%; at panghuli ang Ireland na may 55%.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter