Pilipinas, nasa endemic stage na ng COVID-19 kasunod ng optional face mask use – health expert

Pilipinas, nasa endemic stage na ng COVID-19 kasunod ng optional face mask use – health expert

NANINIWALA si UP PGH Professor at Chief ng Infectious and Tropical Disease in Pediatrics na si Dr. Ana Ong Lim na nasa endemic stage na ang bansa pagdating sa COVID-19.

Ito ay matapos tanggalin ang mandato para sa pagpapasuot ng face mask sa outdoor spaces at ipinalit ang optional mask use.

Naniniwala naman si Dr. Maria Carinnes Alejandria na ang pagtanggal ng isang layer of protection para sa COVID-19 ay maaring maging dahilan para masayang ang napagtagumpayan natin sa ating laban kontra COVID-19.

Sa ilalim ng Optional Mask Use, ang mga tao ay maaring hindi na magsuot ng face mask kapag sila ay nasa outdoor.

Ito ay aprubado sa ilalim ng Executive Order No. 3 ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.

Ang ilang namamasyal sa isang parke sa lungsod ng Maynila, kasunod ng bagong poilisya ay hindi na nga nagsuot ng mask.

Ang iba naman nakasuot ng mask, pero nakababa naman ito sa kanilang leeg.

Ang mga health expert, nanawagan na sa kabila ng bagong polisiya ay magsuot pa rin ng mask ang publiko kahit nasa outdoor ang mga ito.

Ito ay lalo na kung may kasama sila sa loob ng bahay na mayroong comorbidity o senior citizen o kaya’y mga bata.

Tandaan aniya na ang mga ito ay madali lamang mahawaan ng sakit.

Pero marami pa rin naman sa parke sa Maynila ang nakasuot ng face mask.

Una nang sinabi ni DOH Usec. Maria Rosario Vergeire na kanila pa ring hinihikayat ang lahat lalo na ang mga high risk na magsuot pa rin ng mask kahit nasa outdoor.

 

Follow SMNI News on Twitter