Pilipinas, nasa Top 10 ng mga bansang may highest positive experience index—survey

Pilipinas, nasa Top 10 ng mga bansang may highest positive experience index—survey

PASOK ang Pilipinas sa Top 10 na mga bansang may pinakamataas na positive experiences noong 2023.

Sa Global Emotions report na inilathala ng American multinational analytics and advisory company na Gallup, 82 out of 100 ang score ng Pilipinas sa positive experience index.

Ibig sabihin, 82 percent sa mga Pilipino ang may positibong emosyon bago ang araw na isinagawa ang survey.

Nangunguna naman sa positive experience index ang Paraguay at Panama na may 86 na score; Guatemala na may 85; at Mexico at Indonesia na may 84.

Ang El Salvador at Costa Rica ay may 83 na score; habang ang Malaysia, Senegal, at Thailand maging ang Pilipinas nga ay pawang may 82 na score.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble