NATANGGAP ng Pilipinas ang “Dirty Ashtray” Award mula sa tenth session ng Conference of the Parties (COP10) to the WHO Framework Convention on Tobacco Control (WHO FCTC) sa Panama noong Pebrero 5-10, 2024.
Para ito sa umano’y pagharang ng bansa sa global tobacco control efforts.
Ito na ang ikalimang pagkakataon na natanggap ng bansa ang naturang titulo.
Ayon kay Southeast Asia Tobacco Control Alliance Executive Director Ulysses Dorotheo, mistulang mouthpiece ang bansa sa pagpapalaganap ng tabako imbis na itaguyod ang public health interests.
Mainam na gawin itong wake-up call ng bansa at tuluyan nang makiisa sa global tobacco control.
Samantala, makikiisa na ang Pilipinas sa international community para sa maigting na pagpapatupad nito ayon sa Department of Health (DOH).
Ang lahat ng mga bansa na nakiisa ay bubuo ng guidelines hinggil sa cross-border tobacco advertising, promosyon, sponsorship at paglalarawan ng tabako sa entertainment media.
Maliban din sa solusyong pangkalusugan, tutugunan din ang epekto nito sa kalikasan mula sa pagpapalaki, pagmamanupaktura, pagkonsumo, at waste disposal ng tobacco products kasama na ang plastic cigarette filters.