Pilipinas, nawalan ng P400B kita noong 2020 dahil sa mababang foreign tourist

PUMALO sa P400B ang nawala sa kita ng Pilipinas noong nakaraang taon dahil sa pagbaba ng bilang ng mga foreign tourist na bumibisita sa bansa sa gitna ng nagpapatuloy na COVID-19 pandemic.

Ito ang inihayag ni Department of Tourism OIC Undersecretary Roberto Alabado III sa isinagawang pagdinig ng Kamara kaugnay sa update sa mga plano at programa ng DOT sa Tourism industry.

Ayon kay Alabado, nasa 8.3 milyong dayuhang turista ang bumisita sa Pilipinas noong 2019.

Gayunman, dahil sa travel restrictions na ipinatupad ng bansa para mapigilan ang pagkalat ng COVID-19, bumaba ng 82 percent ang foreign tourist noong 2020 na may 1.3 milyon lamang na dayuhang turista na bumisita.

Sinabi ni Albadado na ang pagbaba ng foreign tourist arrivals ay nakaapekto ito sa 5.7 milyong trabaho sa tourism industry sa buong bansa.

SMNI NEWS