Pilipinas, nawawalan ng P99-B kada taon dahil sa POGO—DOF

Pilipinas, nawawalan ng P99-B kada taon dahil sa POGO—DOF

NAWAWALAN ang bansa ng hanggang P99.25-B kada taon dahil sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) ayon sa Department of Finance (DOF).

Sa naging hearing ng Senado hinggil dito, ipinaliwanag ni DOF Assistant Sec. Karlo Adriano ang cost-benefit analysis sa mga POGO.

Sa kaniyang inilatag, ang tinatayang economic benefits ng POGO ay nasa P166.49-B kada taon.

Habang mas malaki ang kabuuang economic costs na nasa P265.74-B.

Ang pinagkukunan ng economic benefits ay tax revenues, gaming revenues, private consumption spending, real estate, at marami pang iba.

Ang pinagbabatayan naman ng economic costs ay mga nawalang investment opportunities, additional costs ng law enforcement at impact nito sa turismo.

Kaugnay rito, naniniwala si Adriano na ang kita ng mga POGO sakaling ipagbabawal na ito sa bansa ay makukuha lang din kung magpapasok ng maraming investments.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble