MADALAS na biktima ang Pilipinas sa digital fraud noong taong 2024 ayon sa inilunsad na pag-aaral ng insights company na TransUnion.
Sa pamamagitan ng text at email scams, ang bawat Pilipino anila na biktima ay nawawalan ng average na P44,700.
Dagdag pa ng TransUnion, ang pinaghihinalaang rate ng digital fraud sa Pilipinas ay nasa 13.4 percent noong 2024.
Malubhang mataas ito kumpara sa global average na 5.4 percent.
Sa kabuoan, pumapangalawa ang Pilipinas sa pinaka-vulnerable na bansa sa cyberattacks.
Nangunguna naman ang India na may 19 percent habang pumapangatlo ang Dominican Republic na may 10.9 percent.