Pilipinas, pasok na sa Semis spot sa FIVB volleyball World Beach Pro Tour Futures

Pilipinas, pasok na sa Semis spot sa FIVB volleyball World Beach Pro Tour Futures

PASOK NA sa men’s finals ng FIVB volleyball World Beach Pro Tour Futures ang pambato ng Pilipinas na sina Rancel Varga at James Buytragao.

Ito ay matapos nilang talunin ang pambato ng Latvia na sina Toms Liepa at Ernests Puskundis sa iskor na 21-14, 21-16.

Isinagawa ang laban sa Nuvali sand courts sa Santa Rosa City sa Laguna noong linggo.

Una na ring tinalo ng Cebuano players noong Sabado ang mga pambato ng Japan na sina Yusuke Ishijima at Kensuke Shoji sa iskor na 21-15, 26-24.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter