Pilipinas, patuloy ang pakikipag-ugnayan sa China at Russia para makakuha ng COVID-19 vaccine

Pilipinas, patuloy ang pakikipag-ugnayan sa China at Russia para makakuha ng COVID-19 vaccine

INILAHAD ni Senate Committee on Health Chairman Senator Christopher Bong Go na patuloy  ang pakikipag-ugnayan ng  Pilipinas sa America, Russia  at iba pang mga bansa sa ilalim ng  administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte para matiyak na makakakuha ang bansa ng COVID-19 vaccine oras na maging available na ito.

Sinabi ni Senator Go na sa pamamagitan ng  sulat ay tiniyak sa kanya ni Russian Ambassador Igor Khovaev  na malapit na ang completion ng binubuong COVID-19 vaccine kung saan tagumpay ang tatlong  phases ng  clinical trials.

Kinumpirma naman ni Go na tatlong  bagay ang nasa offer ni Khovaev, kabilang dito ang, pagsasagawa ng clinical trials sa Pilipinas, sila ang magsusuplay ng bakuha kontra COVID-19 at  plano nilang mag-set up ng local manufacturing   sa bansa.

Binigyang diin ni Go na dahil sa maayos na independent foreign policy  na pagiging “enemy to none and a friend to all” policy ni Pangulong  Duterte, nakatitiyak ang bansa na mayroong access sa development at magkakaroon ng suplay sa bakuna.

Sa kabilang banda, kinumpirma ni Go na mismong  si US Secretary of State Mike Pompeo ang nag-aayos sa pulong nina US Ambassador Jose Manuel Romualdez  at dalawang  vaccine manufacturers.

Una nang nanawagan si Go sa gobyerno na dapat ay magtabi na ng pondo para ipambili ng bakuna oras na available na ito sa market kasabay ng panawagan niyang unahin ang mga mahihirap at vulnerable sector na mabigyan nito.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.