Pilipinas, pinakamabilis na lumalagong ekonomiya sa Southeast Asia—Finance Sec. Diokno

Pilipinas, pinakamabilis na lumalagong ekonomiya sa Southeast Asia—Finance Sec. Diokno

NAGKAROON ng sectoral meeting si Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. kasama ang Department of Finance (DOF) kung saan sentro sa pulong ang mga plano para maipagpatuloy ang paglago ng ekonomiya ng bansa.

Ang Pilipinas ang pinakamabilis na lumalagong ekonomiya sa Southeast Asia at nakahanda nang higitan ang mga kapantay nito sa Silangang Asya at Pasipiko.

Ito ang inihayag ni Finance Secretary Benjamin Diokno sa isang press briefing sa Malacañang nitong Martes.

Nauna na aniyang nagpahayag ng kumpiyansa ang International Financial Institution na patuloy na lalago ang Pilipinas sa kabila ng inaasahang paghina ng ekonomiya ng mundo sa susunod na taon.

“So even the International Financial Institutions agree ‘no. In fact their outlook is that the economy, the Philippine economy will grow the fastest ‘no. Globally, the economy will actually slow down,” ayon kay Sec. Benjamin Diokno, DOF.

Kabilang si Diokno sa dumalo sa sectoral meeting ni Pangulong Marcos sa isang pulong sa Malacañang kung saan tinalakay ang economic prospects para sa 2024.

Ibinahagi pa ni Diokno na lalago pa ang ekonomiya ng bansa ng humigit-kumulang anim na porsiyento sa taong ito.

Patuloy pa aniyang lalago sa humigit-kumulang 6.5-8 porsiyento para sa natitirang termino ng Pangulo.

Ipinunto ni Diokno na inaasahan ng World Bank ang ekonomiya ng Pilipinas na hihigit pa sa East Asia at Pacific peers.

Aniya, kung ikukumpara ang performance ng Pilipinas sa ibang bansa sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) at maging sa China, ang 5.9% growth ng Pilipinas sa huling quarter ang pinakamabilis na lumalagong ekonomiya.

“Now, if you look at the performance of the Philippines compared to other ASEAN countries including China here, we are the fastest growing economies in Asia, okay – 5.9%, that’s the third quarter growth; and then compared to Vietnam is 5.3%, Indonesia is 4.9%; 4.9% for China; Malaysia 3.3%; and Singapore, 0.7%,” dagdag ni Diokno.

Pamahalaan, patataasin pa ang agri production upang bumaba ang inflation—Finance Chief

Samantala, inilahad ni Diokno na puspusan sa pagpapatupad ng ilang mga hakbang ang administrasyon upang matiyak na mababawasan ang inflation.

Ito aniya ay sa pamamagitan ng pagtiyak na mayroong sapat na local na produksiyon ng mga pangunahing bilihin.

Sambit ng finance chief, nais ng pamahalaan na mapabuti ang produksiyon at punan ang domestic supply gap sa pamamagitan ng napapanahon at sapat na importasyon batay sa ex-ante supply and demand analysis.

“So we are implementing these measures to make sure that we are able to mitigate inflation. So what are these? We want to improve the production and fill the domestic supply gap through timely and adequate importation based on ex-ante supply and demand analysis,” ani Diokno.

Dagdag pa ni Diokno, ang isa pang hakbang na isinasagawa ng gobyerno ay ang monitoring at assessment ng market developments.

Kabilang dito ang paggamit ng Remote Sensing Technology tulad ng paggamit ng satellite para sa produksiyon ng mais at palay.

Sa pamamagitan ng paggamit ng teknolohiya, mapabibilis pa ng pamahalaan ang pagresponde upang matugunan ang epekto ng masamang kondisyon ng panahon at ang pagpapatupad ng El Niño mitigation and adaptation plan.

“So with the use of the satellite, we can see ano bang… gaano ba talaga iyong naka-plant na corn and rice so na-anticipate natin kung magkano iyong supply. Now, we will fast-track the response to address the impact of [unclear] and typhoons and the implementation of the El Niño mitigation and adaptation plan,” aniya.

Mababatid na bumaba ang headline inflation ng bansa sa 4.9 porsiyento noong Oktubre mula sa 6.1 porsiyento noong Setyembre.

Umaasa naman ang DOF na patuloy na bumagal ang inflation rate ng bansa sa Disyembre.

Ang isa pang positibong pag-unlad na iniulat ng DOF ay ang pagkamit ng Pilipinas ng pinakamababang external debt-to-GDP ratio sa kabuuang utang ng bansa.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

 

&