Pilipinas, posibleng maging target ng nuclear missile ng Russia—dating Ambassador Tiglao

Pilipinas, posibleng maging target ng nuclear missile ng Russia—dating Ambassador Tiglao

GAGAWA na uli ang Russia ng short range at intermediate range ballistic missiles na puwedeng kargahan ng nuclear warheads kahit matagal na silang pumayag na itigil ito.

Ayon kay Russian President Vladimir Putin, ibabalik nila ang deployment ng naturang armas dahil ang Amerika naman ang naunang lumabag sa kanilang kasunduan.

Taong 1987 nang pumirmaha ang Russia at Amerika sa Intermediate-range Nuclear Forces (INF) Treaty para ipatigil ang paggawa ng nuclear arsenals.

Pero pinuna ni Putin ang deployment ng nuclear arsenals ng Amerika sa Denmark at Pilipinas.

Sa kaniyang pinakahuling column, ipinaliwanag ni dating Philippine Ambassador to Greece and Cyprus na si Rigoberto Tiglao na ang deployment ng US ng kanilang state-of-the-art ground-based missile system sa Northern Luzon ang tinutukoy na paglabag ni Putin.

Paliwanag ni Tiglao, kayang abutin ng tinawag na ‘Typhoon Weapons System’ na dinala ng Amerika dito sa bansa ang mga teritoryo ng China.

‘‘The Typhon-launched missiles from northern Luzon, therefore, can reach all of China’s seven artificial island fortresses in the South China Sea, southeastern China, including Hainan Island, where the Chinese in 2020 established Sansha City, which administers all of China’s four claimed archipelagos in that sea,’’ ayon kay Former Philippine Ambassador to Greece and Cyprus Rigoberto Tiglao.

Diin niya, malaking banta ang pagkakabanggit ni Putin sa Pilipinas bilang lokasyon ng weapon system ng Amerika.

Si Putin ay kilalang kaalyado ni Chinese President Xi Jinping—kapwa lider ng nuclear powered na mga bansa.

Kaya ani Tiglao, bukod sa China ay dadagdag sa banta sa Pilipinas ang Russia.

‘’This is the first time Putin referred to the Philippines’ involvement in what could break out into World War III by the two blocs of nuclear superpowers,’’ saad nito.

Para naman sa geopolitical analyst na si Professor Anna Malindog-Uy, hindi dapat ipagsawalang bahala ng pamahalaan ang sinabi ng Russian President.

‘So, yun yung mahirap dun kasi nasa loob ka ng configuration, military configuration ng Russia of countries who migh they see as a threat to their own survival or their own security,’’ saad ni Prof. Anna Malindog-Uy Geopolitical Analyst.

Nanawagan naman si Tiglao sa dalawang kapulungan ng Kongreso na inspeksyunin ang EDCA sites para masuri kung naroon pa ba ang Nuclear weapons ng Amerika na sinasabing dineploy sa nakaraang US-Philippine Balikatan Military Exercise.

‘’I had planned to focus this column on a call for Congress, or just even the Senate, to demand the US and Philippine military commands to allow a committee of legislators to inspect the EDCA sites or the secret location in northern Luzon where the Typhon was deployed to determine if the Typhon has been withdrawn from Philippine soil,’’ ani Tiglao.

‘’Parang doon sa meeting ni President Putin doon sa kaniyang security forces, ito yung elite forces ng Russia no. Ito yung Generals, High-ranking officials na nasa military ng Russia is parang tinatanong din niya kung tinanggal nga ba ng United States or nandito pa sa Pilipinas itong mga missile na ito and take these are nuclear. This is even against our constitution. Kasi in our constitution, we don’t allow nuclear weapons in the country,’’ dagdag ni Prof. Anna Malindog-Uy.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble