POSIBLENG may papasok na bagyo sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ngayong buwan.
Maaaring lumapit ang bagyo sa silangang bahagi ng Visayas at Mindanao o kaya’y lumihis palayo sa kalupaan ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).
Maliban sa banta ng bagyo, mananatiling makakaapekto ang amihan sa hilaga at Gitnang Luzon, kung saan nagdadala ito ng maulap na kalangitan at pag-ulan sa mga nabanggit na rehiyon.
Makararanas naman ng mahinang pag-ulan o panaka-nakang pagkulog at pagkidlat sa Metro Manila, Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, at Gitnang Luzon.
Makulimlim na kalangitan na may mataas na posibilidad ng pag-ulan, pagkulog, at pagkidlat sa Bicol Region at Quezon Province habang panaka-nakang pag-ulan at pagkulog-pagkidlat sa MIMAROPA at CALABARZON.
Sa Visayas at Mindanao, aasahan ang maulap na panahon na may posibilidad ng kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog, at pagkidlat.