Pilipinas, posibleng magkaroon ng nuclear deals sa South Korea, France, at China

Pilipinas, posibleng magkaroon ng nuclear deals sa South Korea, France, at China

TINITINGNAN na ng Pilipinas ang pagkakaroon ng nuclear deals sa pagitan ng South Korea, France at China.

Kasunod ito sa muling pagkokonsidera ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa pagtatayo ng nuclear power plants upang matugunan ang pangangailangan ng bansa ng suplay ng kuryente at mataas na presyo nito sa kasalukuyan.

Ayon kay Philippine Nuclear Research Institute (PNRI) Director Carlo Arcilla, nauna nang nag-alok ang South Korea na tumulong sa rehabilitasyon ng Bataan Nuclear Power Plant sa halagang isang bilyong piso.

Magugunitang ang nuclear power plant ng South Korea ay ensaktong kapareho sa BNPP na 40 taon na sa kanilang operasyon.

Follow SMNI NEWS in Twitter