Pilipinas, pumapangalawa na sa official medal tally ng SEA Games

Pilipinas, pumapangalawa na sa official medal tally ng SEA Games

PUMAPANGALAWA na ang Pilipinas sa official medal tally ng 32nd Southeast Asian Games (SEA Games) sa Cambodia.

Humahataw na ang mga atletang Pinoy kung saan batay sa pinakahuling medal tally ng SEA Games, nangunguna ang bansang Cambodia na siyang host country na may 9 na medal; 5 dito ang gold at 4 na silver.

Pumangalawa naman ang Pilipinas na may 7 medalya kung saan 2 dito ang gold, 1 silver, at 3 bronze.

Pumangatlo naman ang Thailand na may 1 gold, 1 silver at 1 bronze.

Ang SEA Games ay nangyayari kada 2 taon kung saan maglalaban-laban ang 11 bansa mula sa Southeast Asia para makuha ang medalya mula sa 37 sports.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter