Pilipinas, tatayong host ng idaraos na ASEAN Senior Law Officials Meeting

Pilipinas, tatayong host ng idaraos na ASEAN Senior Law Officials Meeting

KINUMPIRMA ng Department of Justice (DOJ) na magiging host ang Pilipinas sa idaraos na 21st Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Senior Law Officials Meeting (ASLOM) sa October 13 at 14.

Nilinaw ng DOJ na ang ika-21 pulong ang unang in-person ASLOM mula nang naranasan ang COVID-19 pandemic noong 2020, pero ito naman ang ikalawang pagkakataon na magiging host ang bansa sa naturang meeting at ang una ay noong 1996.

Ang nasabing annual meeting ay itinatag o sinimulan noong 1985.

Magiging chairperson dito si Justice Undersecretary Brigido Dulay, habang ang delegation ay pangungunahan naman ni Chief State Counsel George Ortha II, habang si Justice Secretary Jesus Crispin Remulla ang magde-deliver ng opening remarks sa 21st ASLOM.

Ipinaliwanag ng DOJ na ang ASLOM ay magsisilbing forum para sa mga senior law officials mula sa ASEAN Member States’ Respective Ministries of Justice, kabilang na ang Attorney General’s Chambers para pag-usapan ang legal issues na may kinalaman sa common interest at ukol sa legal cooperation.

 

Follow SMNI News on Twitter