PATULOY na lumalaban sa Winter Games ang mga manlalarong mula sa mga tropikal na bansa gaya ng Pilipinas at Thailand.
Ang Filipino-American alpine skier na si Asa Miller ay lalaban sa mga susunod na araw, nagpadala rin ang Timor Leste, Thailand, at Malaysia ng mga kinatawan sa mga larong karaniwang pinangungunahan ng mga bansang karaniwang mayroong niyebe.
Makikipaglaban si Miller sa men’s giant slalom sa Linggo kasama si Yohan Goutt Goncalves, isang French-East Timorese, na matagal nang hinahabol ang kanyang Olympic dream mula pa noong 2014 edition sa Sochi, Russia.
Ang Thailand ay nagpadala ng apat na manlalaro sa Winter Games kabilang sina Zanon Nicola para sa men’s alpine skiing, Jaiman Mida Fah para sa women’s alpine skiing, Mark Chanloung para sa cross country skiing at ang kanyang kapatid na si Karen para sa cross country skiing.
Kaugnay nito ay buo naman ang suporta ng gobyerno ng Thailand sa mga manlalaro nito kung saan mismong ang prinsesa ng bansa ay dumalo pa sa opening ceremony ng Winter Olympics.
Samantala, si Miller, ang nag-iisang Filipino winter sports athlete na nag-qualify para sa quadrennial meet.