Pilipinas, tiniyak na handang tumanggap ng mga refugees kasabay ng paglulunsad ng Pambansang Araw ng mga Refugee

Pilipinas, tiniyak na handang tumanggap ng mga refugees kasabay ng paglulunsad ng Pambansang Araw ng mga Refugee

MAGANDANG balita para sa lahat ng refugees dahil muling tiniyak ng gobyerno dito sa Pilipinas na handa nitong protektahan ang mga refugees kasabay sa paglulunsad ngayong Martes ng Department of Justice (DOJ) kasama ang United Nations ng kauna-unahang Pambansang Araw ng mga Refugee sa bansa.

Ito ay bilang tugon sa Presidential Proclamation No. 265 series ng 2023 na nagdedeklara sa Hunyo 20 ng bawat taon bilang “Pambansang Araw ng mga Refugee.

Ang lahat ng mga ahensiya ng gobyerno kabilang ang mga Government-Owned and Controlled Corporations (GOCCs), mga pamantasan at kolehiyo ng estado, mga lokal na pamahalaan, non-government organizations (NGOs), at pati na rin ang pribadong sektor ay inuutusan na aktibong makilahok at suportahan ang pagpapatupad nito.

Ang Pilipinas ay inaasahan na magkakaroon ng mga humanitarian efforts, magbibigay ng proteksiyon at kapaki-pakinabang na kapaligiran para sa mga refugee, naghahanap ng asylum, mga stateless na indibidwal, mga aplikante ng walang estado, at mga indibidwal na nasa panganib ng pagiging walang estado.

Sa isang pahayag, ipinangako ni Justice Sec. Jesus Crispin Remulla ang pagpapalakas ng programa para sa kabutihan ng mga refugee at stateless persons.

Pilipinas, tatanggap ng mga Ukranian refugees matapos ang pagbisita ni Ukranian President Zelenskyy?

Kasunod naman ng pagbisita ni Ukranian President Volodymyr Zelenskyy ay natanong kung isa ba ito sa napag-usapan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at ni Zelensky, ayon sa DOJ wala silang ideya hinggil sa bagay na ito pero handa anila silang tumanggap ng mga refugees basta qualified ito sa kanilang requirement.

“We are not aware of any discussion of that sort. Even the Philippine policy of welcoming refugees and vulnerable people, for as long as they are here because that is the first requirement that they must be here. They must apply. The application will be processed by the DOJ. And if they are qualified, then they are admitted as refugees or asylum seekers. It is a continuing policy. It’s not really matter of the declaration that this particular persons or peoples would have to be accepted as refugees. But it’s a treaty obligation of the PH as a signatory of the United Nations,” ayon kay Usec. Raul Vasquez, Department of Justice.

Sa ngayon ayon naman kay DOJ-RSPPU Dennis Arvin L. Chan, mayroong isang libong refugees ang rehistrado at nag-apply bilang refugees sa bansa kung saan karamihan sa mga ito ay mula sa Africa at Middle East.

Follow SMNI NEWS on Twitter