Pilipinas, tiyak na madadamay sa gusot ng China, Taiwan, at Amerika – Enrile

Pilipinas, tiyak na madadamay sa gusot ng China, Taiwan, at Amerika – Enrile

TIYAK na madadamay ang Pilipinas sakaling magkaroon ng gusot sa pagitan ng China, Taiwan at Amerika.

Ito ang hayagang sinabi ni Presidential Legal Counsel Sec. Juan Ponce Enrile sa kanyang programang Dito sa Bayan ni Juan sa SMNI News.

Ani Enrile, ito ay dahil kailangan ng Amerika ang Pilipinas dahil sa kanilang mga base-militar sa bansa.

Inihayag din ni Enrile na may laban ang China sa Amerika at Japan kung magkakaroon ng giyera sa bahagi ng Taiwan dahil malapit lang ito sa kanila.

Ngunit nilinaw rin ng beteranong mambabatas na hindi pa kayang pantayan ng China ang kakayahang pandigma ng Amerika.

Pero ani Enrile, delikado pa rin ito dahil sa humihinang ekonomiya ng Amerika at sa kasalukuyang sitwasyon sa pagitan ng Russia at Ukraine.

Sa kabila dito, suportado pa rin ni Enrile ang umiiral na Mutual Defense Treaty sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos para sa layuning hindi magigipit ng China ang Pilipinas.

Follow SMNI News on Twitter