Pilipinas, top consumer ng iba’t ibang uri ng online videos—isang pag-aaral

Pilipinas, top consumer ng iba’t ibang uri ng online videos—isang pag-aaral

ISA ang Pilipinas sa top consumer ng iba’t ibang uri ng online video content gaya ng music videos at vlogs.

Ayon sa digital 2024 report na inilabas ng Datareportal, 97.2 porsiyento ng online users sa Pilipinas ay nanonood ng video at least isang beses kada linggo nang isinagawa nila ang pag-aaral sa third quarter ng 2023.

Pumapangalawa sa Pilipinas ang Mexico, at Africa na may 97 porsiyento.

Mula sa maraming datos naman ng nabanggit na pag-aaral, ang Pilipinas na ang ika-apat sa mga bansang madalas gumagamit ng social media kung saan ang average user ay gumagamit nito sa loob ng tatlong oras at 34 na minuto.

Nangunguna rito ay Kenya, South Africa, at Brazil.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble