Pilipinas, umatras na sa membership nito sa Miss Grand International

Pilipinas, umatras na sa membership nito sa Miss Grand International

UMATRAS na ang Binibining Pilipinas Charities Inc. (BPCI) sa pagiging miyembro nito sa Miss Grand International.

Sinabi nito na hinding-hindi na nila ire-renew pa ang kanilang franchise.

Pinapasalamatan din naman ng BPCI ang organizers ng Miss Grand International sa ilang taong pagiging miyembro dito ng Pilipinas.

Sa kakatapos lang na Miss Grand International 2022, umuwi bilang 5th runner up si Roberta Tamondong ng Pilipinas matapos nag-resign ang orihinal na titleholder nito na si Yuvna Gookool ng Mauritius.

Sa nagdaang mga taon, si Samantha Bernardo at Nicole Cordoves ay nanalo na rin mula sa Miss Grand International bilang first runner-up.

Follow SMNI NEWS in Twitter