WAGI ang Pilipinas kontra Indonesia sa score na 11-5 sa Men’s 3×3 Wheelchair Basketball sa pasisimula ng 12th ASEAN Para Games sa Phnom Penh, Cambodia.
Ginawa ang laro sa Morodok Techo National Stadium.
Pinangunahan ni Kenneth Christopher Tapia at Alfie Cabañog ang pagkapanalo ng kanilang team.
Si Tapia ay nakagawa ng limang puntos habang apat na puntos naman kay Cabañog.
Nakapag-ambag naman ng tig-isang point si John Rey Escalante at Rene Macabenguil.
Ang 12th ASEAN Para Games ay opisyal nang nagsimula kahapon, June 2, 2023 kung saan may 11 delegasyon mula sa Asia.
Magtatagal naman ito hanggang sa Hunyo 9, Biyernes.