Pilipino boxer na na-coma matapos ang kaniyang laban sa Cavite, nasawi na

Pilipino boxer na na-coma matapos ang kaniyang laban sa Cavite, nasawi na

KINUMPIRMA ng boxing organizer na Blow by Blow na nasawi na si Bantamweight boxer Kenneth Egano.

Araw ng Miyerkules, Mayo 10 nang binawian ito ng buhay ilang araw matapos ma-coma kasunod ng laban nito sa Cavite.

Napag-alaman na nagkaroon siya ng brain hemorrhage nang maisugod ito sa Imus Doctors Hospital.

Nawalan ng malay si Egano nang hinihintay ang resulta ng 8-round-fight nito kontra kay Jason Facularin at kalaunan ay idineklara itong nagwagi sa laban.

Nagpaabot naman ng pakikiramay ang Philippines’ Games and Amusements Board (PGAB), maging ang nakalaban nitong si Facularin.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter