MATAGUMPAY na isinagawa ng daan-daang Overseas Filipino Workers (OFW) at Non-OFW ang panawagang “I am not a Filipino for nothing, I stand with PRRD” marching rally ng Republic for Peace and Unity sa Shibuya, Japan noong Linggo, Marso 23, bilang pagpapakita ng kanilang suporta sa dating Pangulo ng Pilipinas na si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa gitna ng kaniyang di-makatarungan at ilegal na pag-aresto noong Marso 11.
Sigaw ng mga Pilipino sa Japan “Bring PRRD Home”─ito ay sa gitna ng di-makatuwiran, ilegal na pag-aresto at pagsuko sa dating Pangulo sa ICC sa The Hague, Netherlands noong Marso 11.
Nagpaabot naman ng mensahe ang mga Pilipino sa Japan sa nalalapit na kaarawan ni dating Pangulong Duterte.
Samantala, ngayong buwan ng Marso ay sunod-sunod ang mga isinasagawa at isasagawa pang mga aktibidad ng OFW sa Japan bilang tanda ng kanilang pagmamahal sa bansang Pilipinas at pagiging isang mamamayang Pilipino.