ISANG pagtitipon ang isinagawa ng ating mga kababayan sa Osaka, Japan sa paggunita ng ika-125 anibersaryo ng Araw ng Kalayaan ng Pilipinas.
Sa pangunguna ng overseas Filipino worker (OFW)-Immigrant Osaka, isang pagtitipon ang isinagawa sa Naniwa Kumin Center kahapon Hunyo 11, 2023 na dinaluhan ng ating mga kababayan mula sa iba’t ibang lugar sa Kansai Region.
Nagbahagi naman ng kanilang mga talento ang ating mga kababayan sa pamamagitan ng pagkanta at mga katutubong sayaw mula sa mga opisyal ng Oisa, Japan-Philippine Pride Cultural Group at Osaka Mabuhay Community.
Ika-125 anibersaryo ng Araw ng Kalayaan ng Pilipinas ipinagdiwang ng mga OFW sa Osaka, Japan
Kasabay ng pagdiriwang sa Araw ng Kalayaan ay ang unang anibersaryo ng organisasyon at sa pangalawang pagkakataon ay naorganisa ito sa Osaka, Japan.