Pilipino sa kalawakan katuwang ang SpaceX, posible nang mangyari—DTI

Pilipino sa kalawakan katuwang ang SpaceX, posible nang mangyari—DTI

POSIBLENG magkaroon na ng kauna-unahang Pilipino na makapunta sa kalawakan katuwang ang SpaceX ni Elon Musk.

Ibinahagi ito ng Department of Trade and Industry (DTI), lalo na’t isa ito sa natalakay sa pagbisita ni Sec. Cristina Roque sa Hawthorne, California kung saan nakausap nila ang ilang executives ng SpaceX.

Kung maisakatuparan na ang plano, ay magpapakita na ito sa potensyal ng bansa na maging isang kalahok sa pandaigdigang larangan ng pananaliksik sa kalawakan.

Hindi naman bago sa Pilipinas ang SpaceX dahil tumutulong na ito sa mga Pilipino tuwing may sakuna.

Nakipagtulungan na rin ito sa Philippine Space Agency (PhilSA) upang mapabuti ang edukasyon sa mga liblib na lugar.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble