‘Pilipino Tayo’ statement on VP Sara’s resignation as DepEd Secretary

‘Pilipino Tayo’ statement on VP Sara’s resignation as DepEd Secretary

ANG resignation ni VP Sara sa gabinete ni PBBM ay dahil sa political tension na namamagitan sa kampo ng kanyang pamilya at ng kampo ng administrasyong Marcos at diumano ang pag-alis at pang-iipit ng pondo ng DepEd para sa mga programang kanyang inilatag sa departamento.

‘Pag ang pondo ay inipit, magagalit ang mga guro at estudyante sa pinuno na dahilan ng kanyang ikasisira.

Isa na namang patunay ng labis na kapangyarihang ibinigay ng 1987 Konstitusyon sa Pangulo at Kongreso para kontrolin ang pondo at ipitin ang mga tao, opisyal at kinikilalang kalaban sa politika para pasunurin o sirain.

‘Yan ang kapangyarihang dapat natin bawasan at alisin dahil madaling abusuhin. Ang ibigay sa isang tao kahit siya pa ay Pangulo o sa isang grupo ang kabuuang control sa pondo at kapangyarihan ng gubyerno ay mali at mababago lamang sa isang Con Con.

Ang long term programs ng gobyerno ay dapat maihiwalay sa bangayan ng mga politiko. Ang kailangang programang inilalatag ng gobyerno ay ‘di dapat apektado ng politika. Sa Con Con lang natin masisiguro na magagawa ‘yan. Wala nang iba.

Dahil sa isang parliamentaryong sistema, madaling magpalit ng pinuno sa politika ng hindi naapektuhan ang programang pantao. At sa isang Pederal na pamahalaan, hindi apektado ang pondo at araw-araw na gawin sa lokal sa bangayan at palitan ng pinuno sa Nasyonal na pamahalaan. Ito ay mga issues na pwedeng pag-usapan sa Con Con.

Kaya magalang na idadagdag na namin si VP Sara sa listahan kasama ng grupo ni Pangulong Marcos, FL Liza Marcos, VP Leni Robredo at lahat ng iba pang grupo, partido, sektor at paksyon sa iimbitahin maging delegado sa kumbensyon upang magsama sama, mag usap-usap, sumulat ng bagong konstitusyon at pangunahan ang panawagan ng isang Con Con.

Ang kanilang experience sa politika at pamumuno ay makadagdag nang malaki sa ikagaganda ng bagong Saligang Batas na ihahanda. Dahil anuman ang ating grupo, lahi, itsura at paniniwala, iisa ang ating bansa dahil Pilipino Tayo.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble