Pilot implementation ng free meal program sa Indonesia, magsisimula na sa Disyembre

Pilot implementation ng free meal program sa Indonesia, magsisimula na sa Disyembre

MAGSISIMULA na sa lugar ng Sabang hanggang Merauke sa susunod na buwan ang free meal initiative ng Indonesia.

Ito’y kahit ang nationwide roll out ng programa ay sa Enero pa ng taong 2025.

Sa pahayag ng kanilang National Nutrition Agency, target ng Indonesia na makabenepisyo sa unang dalawang taon ng programa ang nasa 82.9 milyon katao.

Ang programang ito ay binuo ng pamahalaan upang masolusyonan ang malnutrisyon ng mga kabataan sa Indonesia.

Maliban sa mga kabataan ay kasama rin sa free meal initiative ang mga nagbubuntis na ina, breastfeeding mothers, at mga sanggol.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble