Pimentel, nais na paimbestigahan ang kapalpakan ng BIR sa hindi pagkolekta sa estate tax ng Pamilya Marcos

Pimentel, nais na paimbestigahan ang kapalpakan ng BIR sa hindi pagkolekta sa estate tax ng Pamilya Marcos

NANANAWAGAN si Senator Koko Pimental para sa imbestigahan ang kapalpakan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na kolektahin ang estate tax ng Pamilya Marcos.

Iginiit ng Senate Resolution no.998 na inihain ni Pimentel, ang kapangyarihan at katungkulan ng BIR sa pangongolekta ng lahat ng revenue taxes, fees, at charges maging ang pagpapatupad ng lahat ng penalty at multa.

Sinabi rin sa resolusyon ang record ng kaso ng Marcos II vs. Court of Appeals kung saan sinabi na noong July 26, 1991 ay nag-isyu ang BIR ng deficiency estate tax assessment laban sa estate ng yumaong Presidente para sa taong 1985 at 1986, at 1982 at 1985.

Samantala, sinabi naman ni Senate President Tito Sotto na may sapat na oras ang Senado para imbestigahanang P203-B estate tax ng pamilya Marcos.

Ayon kay Sotto, ito ay depende pa rin sa komite kung saan ipapasa ang resolusyon at maaari lamang matanggap ito ng komite sa pagpapatuloy ng sesyon ng Senado sa ika-23 ng Mayo.

Matatandaan na inihayag ng BIR na sumulat na sila sa pamilya ng mga Marcos noong Disyembre upang bayaran ang nasabing estate tax liabilities ng mga ito.

Follow SMNI NEWS in Twitter