INIHAYAG ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na nagpadala sila ng demand letter noong nakaraang taon sa pamilya ng namayapang si dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.
Ang pahayag ay nag-ugat matapos igiit ng Aksyon Demokratiko- ang partido ni presidential candidate Isko Moreno na bayaran ng pamilya Marcos ang kanilang utang sa buwis.
‘Estate tax’ ang sinasabing utang ng mga Marcos ngunit sa paliwanag ng political analyst na si Prof. Antonio Contreras, lalabas na mayorya ng ari-arian ng mga Marcos ay hindi ill-gotten.
Ipinaliwanag din ni Atty. Ferdinand Topacio, isang law expert, ang kaugnay sa naturang isyu.
“Opo, tama po yun sapagkat meron po tayong provision ng forfeiture sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act. Ano po ang ibig sabihin noong forfeiture? Ibig pong sabihin noon na yung mga ari-arian na mapapatunayan na ill-gotten wealth ibig sabihin ay ito po ay sobra-sobra sa lehitimong income o kita ng isang public official ay kukunin ng gobyerno. Bakit po kinukuha ng gobyerno ito? Sapagkat under the law po kung iyan ay mapapatunayan na ill-gotten wealth hindi po pag-aari ‘yan noong tao. Ngayon, kung sinasabi nilang ari-ariang yan ay hindi pag-aari ni dating Pangulong Marcos eh yan ay bunga ng kaniyang mga anomalya eh yan ay dapat po finorfeit yan. Bakit po hinayaang manahin ng kanyang mga naulila,” paliwanag ni Topacio.
Diin din ni Topacio, hindi maaring singilin dito ang dating first family.
‘Ang estate tax po ay hindi sinisingil doon sa mga namatay. At ito po ay hindi sinisingil sa property. Ito po ay tax for the privilege of inheriting property. Opo maliwanag po ‘yan. At yung sinasabi po nilang magbayad ng P203 billion o kung anoman yung computation nila ay yan po ay maling-mali,’ ani Topacio.
Dagdag pa ni Topacio na nagkaroon ang gobyerno ng tax amnesty noong 2017.
Sa ilalim nito, ang ‘estate tax’ ng mga namatay bago ang December 31, 2017 ay wala nang penalty.
Kaya kalabisan raw na singilin ng P203 billion ang pamilya Marcos.
‘So yung sinasabi po nilang lumaki na yung 23 billion o 20 billion ba ‘yun whatever na naging P203 billion eh maaaring hindi totoo po yun sapagkat alam ‘nyo yun pong last year ata nag-apruba po ng tax amnesty ang House of Representatives na hanggang December 31, 2022 may estate tax amnesty tayo,’ ayon pa kay Topacio.
Sa Kapihan sa Manila Bay Forum nitong Miyerkules, sinabi ni presidential aspirant Bongbong Marcos Jr., na maraming fake news umanong ikinakalat tungkol sa sinasabing ill-gotten wealth ng kanilang pamilya.
“There’s a lot of fake news involved there, let’s leave it to the lawyers to discuss it because the so-called facts that they quote are not facts at all,” ayon kay Marcos.
Diin pa ni BBM, walang alam sa kaso ang mga kalaban niya ngayon sa pulitika.
‘They are not familiar with the cases or they choose not to be familiar with the case so yeah, it’s in the courts, and in my case whatever the court tells me to do I will do,’ ani Marcos.