Pinaghihinalaang shabu lab, nadiskubre sa isang warehouse sa Sarangani Province

Pinaghihinalaang shabu lab, nadiskubre sa isang warehouse sa Sarangani Province

SA bisa ng search warrant, ni-raid ang isang warehouse sa Sitio Sagel, Brgy. Pinol, Maitum, Sarangani Province nito lamang Linggo ng umaga, Agosto 4, 2024.

Mula sa pinagsanib na puwersa ng Maitum Municipal Police Station, Sarangani Police Provincial Drug Enforcement Group at militar, nadiskubre ang isang warehouse na pianghihinalaang pagawaan ng ilegal na droga.

Lumantad sa nasabing raid ang malalaking machine na pinaghihinalaang ginagamit sa paggawa ng ilegal na droga.

Nakita ring nakakalat ang mga bakanteng Chinese tea bag na kagaya ng mga naunang huli ng mga awtoridad mula sa iba’t ibang drug raids sa iba’t ibang panig ng bansa.

Batay sa inisyal na imbestigasyon, ang nasabing malalaking makina at kagamitan ay may kakayahang gumawa ng bulto-bultong shabu.

Patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon sa kasama na ang pagtunton sa mga taong nasa likod ng operasyon ng naturang warehouse.

Habang isang Chinese national naman ang napag-alaman na bumisita sa nasabing lugar at tiniyak ang pagsasampa ng kasong rito kaugnay sa paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble