INIIMBESTIGAHAN pa ng mga awtoridad ang pinagmulan ng wildfire sa Brgy. Pundaquit, San Antonio, Zambales.
Hinala ng mga residente, maaaring sanhi ng wildfire sa kanilang lugar ay mga aktibidad lang din ng mga tao gaya ng kaingin, pangangaso, at paggawa ng uling.
Sa ulat, ilang araw na ang wildfire sa bundok ng Brgy. Pundaquit subalit nitong Marso 10, 2025 pa nang maiulat sa mga awtoridad.
Alas onse na ng gabi noong Lunes nang ito ay maapula.