SA pamamagitan ng inisyatibo ni Pastor Apollo C. Quiboloy, nalinis ang Pinagsabugan Creek sa Brgy. Longos, Malabon City sa ilalim ng “Kalinisan” Tatag ng Bayan” program.
Pinangunahan ng Sonshine Philippines Movement (SPM) ang clean-up drive na nagtulak sa mga residente ng barangay na makiisa sa layunin ng programang gawing malinis at ligtas ang komunidad.
Ang lugar, na dati’y binabalot ng tambak na basura, ay nagmistulang bago matapos ang masikap na pagtutulungan ng mga volunteer at lokal na mamamayan.
Salamat sa direktiba ni Pastor Apollo, hindi lamang kalinisan ang naibalik kundi naitaguyod rin ang diwa ng disiplina at malasakit sa kalikasan—isang hakbang tungo sa mas maayos at responsableng pamayanan.
#KalinisanTatagNgBayan
#OneTreeOneNation
#PastorApolloParaSaKalikasan
#ParaSaDiyosAtPilipinasKongMahal