MULA sa nakasanayang ride hailing app ng mga Pinoy passenger, narito na ang pinakabagong kagigiliwan ng lahat—ang Filipino-owned ride hailing app na PeekUp na may five-star ride experience.
Ang PeekUp ngayon ang tinaguriang fastest growing ride hailing app sa bansa na ngayong taon lang nagsimula.
Bagama’t nagsisimula pa lamang sa industriya, marami na ang naseserbisyuhan nito lalo na sa mga pangunahing pick-up points sa Metro Manila gaya ng airport at bus terminals sa Buendia at Quezon City.
Mas pinabilis pa nga ang pagseserbisyo nito ngayon dahil sa pinakabago at kauna-unahan nilang pin-based ride booking system.
Sa feature na ito, makatatanggap ng unique pin ang isang pasahero na nagbu-book ng ride.
Kailangan lang itong i-share ng pasahero sa pinakamalapit na pick-up point kung saan naghihintay naman ang mga PeekUp driver na hindi na kinakailangan pang maghintay ng matagal dahil sa layo ng pinagmumulan ng driver mo.
Kung ikaw ay galing sa airport o bus terminal man, malaking tulong sa lahat ng pasahero ang PeekUp online booking at agad instant may driver ka na, less hassle pa
“Sa mga high volume or foot traffic na maglalagay tayo ng PeekUp zones..without queing at all,” ayon kay Mr. Dave Almarinez, CEO, PeekUp.
Hindi lang ‘yan, bukod sa Metro Manila, umaarangkada rin ang PeekUp sa mga karatig lalawigan nito gaya ng Cavite at Laguna.
Isa rin sa pinakamagandang serbisyo ng PeekUp ang kultura ng malasakit sa mga pasahero na kahit gaano kalayo ang destinasyon nito, walang driver na magrereklamo dahil sa dedikasyong makapagserbisyo sa mga mananakay mapa-Pinoy man o dayuhan.
“When we started, talagang maraming dedicated na drivers na kahit malayo pinipick up nila. Maraming differentiators na makikita at mano-notice,” dagdag ni Almarinez.
Ngayong holiday season, pipilitin ng PeekUp na mailapit ang kanilang serbisyo lalo na sa mga stranded passenger at ‘yung mga nais makasama ang kani-kanilang mga mahal sa buhay nang walang delay.
Kung gustong ma-experience ang quality car service na ito—idownload na ang PeekUp online booking app para sa sulit at garantisadong ligtas na pagbiyahe.