Pinakabagong update sa kampanya ng mga kandidato sa Senado para sa nalalapit na eleksiyon

Pinakabagong update sa kampanya ng mga kandidato sa Senado para sa nalalapit na eleksiyon

52 araw nalang bago ang inaabangang halalan sa Mayo 12, kaya’t lalong umiinit ang labanan sa pangangampanya. Walang tigil ang mga kandidato sa pagsuyod sa iba’t ibang lugar, sinisikap makuha ang tiwala at boto ng mga Pilipino.

Lahat ng estratehiya, gamit na gamit—mula sa personal na pagbisita hanggang sa malalaking rally—para matiyak ang kanilang panalo.

Sa Trece Martires City, Cavite kung saan nagkaroon ng pulong balitaan ang ilang kandidato ng Alyansa.

Nasa Valenzuela City naman si Kiko Pangilinan kung saan nakadaupang-palad nito ang mga opisyal ng pamahalaang lungsod, at mga youth volunteers.

Dumalo naman sa awarding ceremonies ng isang Golf Tour sa Camp Aguinaldo Golf Clubhouse si Raul Lambino.

Habang nag-ikot sa Quezon City si Bonifacio Bosita.

Ibinahagi naman ni Mar Valbuena ang pagsakay nito ng tren sabay tanong kung magkakasabay ba sila ni DOTR Sec. Vince Dizon.

Nasa Catarman, Northern Samar naman nangampanya si Atty. Rodante Marcoleta.

Samantala, Ibinahagi ni Gringo Honasan sa kanyang social media ang nakatakda nilang pagkikita ni Davao City Mayor Sebastian “Baste” Duterte

Hinimok naman ni Ariel Querubin ang taumbayan na maghalal ng matapang na senador.

Ipinahayag ni Atty. Jimmy Bondoc ang kanyang suporta sa mga vloggers kasunod ng isinagawang imbestigasyon ng House Tri Committee.

Kinuwestyon naman ni Vic Rodriguez kung may due process ba sa ginawang pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte matapos ang isinagawang pagdinig sa Senado ukol dito.

Personal namang nagbigay inspirasyon at nagpakita ng pagsuporta si Senator Bong Go sa 33rd National Convention ng Provincial Board Members League of the Philippines na ginanap sa Century Park Hotel, Manila City.

Patuloy nating bantayan ang bawat galaw, plataporma, at paninindigan ng mga kandidato para mas maging matalino at mapanuri tayo sa pagpili ng ating susunod na mga senador.

Para sa mas marami pang updates, manatiling nakatutok dito lamang sa SMNI News.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble