GUMAWA ng kasaysayan sa Paralympic games ang pinakabatang atleta ng Japan.
Ang 14-taong gulang at swimming phenomenal na si Miyuki Yamada ay gumawa ito ng unang kasaysayan sa Tokyo Paralympics kahapon bilang pinakabatang medalist ng bansa.
Nanalo ito ng silver medal sa womens 100-meter backstroke S2 class swimming competition sa Tokyo Paralympic games.
Si Yamada ang pinakabatang atleta sa koponan ng Japan sa Paralympic games na mayroong 254 na miyembro.
Ipinanganak na walang braso at may binti na magkakaiba ang haba, lumalangoy si Yamada sa pamamagitan ng malakas na pagsipa gamit ang natitirang bahagi ng katawan upang makadagdag sa kanyang pasulong na momemtum.
Tinapos niya ang karera sa loob ng dalawang minuto at dalawamput anim na segundo kasunod ni Yip Pin Xiu ng Singapore na siyang nakakuha ng gold medal at Fabiola Ramirez ng Mexico para sa bronze medal.
“I want to give myself 100 (out of 100), I did really well,” ayon kay Yamada nang tinanong ito sa rate ng kanyang performance.
Pinalawig naman ni Yip ng Singapore na siyang nakakuha ng gold medal ang lead na 50 second upang maipanalo ang kanyang ika-apat na Paralympic gold medal sa kanyang ika-apat na laro.
Sa darating na Setyembre 2 naman ang susunod na kumpetisyon ni Yamada sa 50-meter backstroke kung saan ipinangako niyang magiging pinakabatang manlalaro sa Paralympic at umaasang makakamit ang gintong medalya para sa bansa.