SINIGURADO na makikinabang sa “Batang Busog, Malusog” (BBM) feeding program ang pinakamahirap na mga lugar sa bansa ayon kay Presidential Adviser on Poverty Alleviation (PAPA) Secretary Lorenzo “Larry” Gadon.
Ito’y dahil layunin ng BBM program na maabot ang mga malalayong lugar sa bansa at mabigyan ng masustansiyang pagkain partikular na ang mga grade school student.
Samantala, nilinaw naman nito na ang BBM program ay hiwalay sa mga feeding programs na isinasagawa ng Department of Health at Department of Education.