Pinakamalaking bilang ng botante tiwalang maitatala sa 2022 elections.

Pinakamalaking bilang ng botante tiwalang maitatala sa 2022 elections.

Tiwala si Senator Imee Marcos na maitatala ang pinakamalaking bilang ng botante sa bansa sa pagsapit ng 2022 elections kahit pa may pandemya.

Ito ay dahil aniya sa nakatakdang pagpapalawig ng voter registration hanggang sa katapusan ng Oktubre.

Kahapon ng ipaalam ni Senator Marcos ang impormasyon mula kay Comelec Director Teopisto Elnas Jr. na tatapusin ng Comelec ang resolusyon para sa  extension ng voter registration sa isasagawang en banc meeting ng mga Comelec Commissioner ngayong araw.

‘’Mas maraming botante, mas mananaig ang boses ng nakararami at ng Diyos sa susunod na eleksyon. Kinumpirma na ni Director Elnas (Teopisto Jr.) na tatapusin nila ang resolusyon sa isasagawang en banc meeting ng mga Comelec commissioner bukas,”ayon kay Sen. Imee Marcos.

Saad pa ni Marcos, na dahil sa pangyayaring extension ay maaring malalampasan ng bansa ang 61, 843, 771 na bomoto noong 2019 elections.

Matatandaan naman sa budget hearing ng Comelec noong isang linggo ay sinabi nitong nasa 61-M na ang registered voters o bilang ng botante para sa 2022 national at local elections.

Ayon sa PSA, ay aabot sa mahigit 70-M ang potential voting population para sa darating na halalan.

Sa ngayon, patuloy pa rin bago sumikat ang araw ang pagdagsa ng mga umaasang maging botante sa mga satellite center ng Comelec kung saan pawang limitado ang slot ng mga pwedeng magparehistro araw-araw para masiguro ang health at safety health protocols.

SMNI NEWS