NAKATAKDA nang buksan ngayon araw, December 1 ang pinakamalaking lights park sa Pilipinas na matatagpuan sa Lakeshore Area, Laguna Lake sa lungsod ng Taguig.
Ang ‘Christmas by the Lake’ ay may isang milyong bombilya gamit ang energy-efficient technology.
Tampok din sa lawa ang laser at beam animation na nagpapakita ng ilaw at nagpapatugtog ng magagandang musika.
Maaari ding ma-experience ang family-friendly rides, activities, at light shows.
Ayon kay Taguig City Mayor Lani Cayetano 3 buwan ginawa ang pasyalan at libre lamang ang pagpunta dito.