NASA Manila ngayon ang pinakamalaking naval training ship ng Indonesia para sa isang four-day goodwill visit.
Bahagi na rin ito sa ginagawang regional tour ng Indonesia sa ilang Asian countries gaya ng Singapore, Cambodia, Vietnam, China, South Korea, Japan, maging sa Russia.
Dumating ang Kri Bima Suci sa Pier 15 nitong Martes, Oktubre 15 at babalik din ito sa Indonesia sa Oktubre 18.
Sa pagbisita ng barko, layunin nito na mapalakas ang ugnayan ng Pilipinas at Indonesia lalong-lalo na sa larangan ng defense at maritime cooperation.