OPISYAL nang nag-umpisa ang pinakamalaking pagtitipon ng mga kabataang lider sa bansa sa tinaguriang ‘City of Pines’, ang Baguio City.
Lampas isang libong kabataan kasama ang mga bagong halal na Sangguniang Kabataan chairman mula sa iba’t ibang panig ng Pilipias ang lumahok sa tatlong araw na National Youth Convention.
Pinangunahan ang convention ng National Youth Commission (NYC) katuwang ang Department of the Interior and Local Government (DILG) na may temang “Mga Bagong BIDA sa Bagong Pilipinas”.
Sa ilalim nito ay sasailalim sa pagsasanay ang mga kabataang lider para maging epektibong pinuno ng kanilang nasasakupan.
Ayon kay NYC chairman Usec. Ronald Cardema target nila na turuan ang mga bagong halal na SK Chairman na magsagawa ng makabuluhang mga programa at reporma na makapag-aangat sa kasanayan, edukasyon at oportunidad para sa mga kapwa nilang kabataan.
Sa tatlong araw na National Youth Convention, ilan sa mga paksang tatalakayin ay ang disaster preparedness, mga hakbang kontra ilegal na drogra, tamang paggamit sa SK funds, at ang laban kontra terorismo.
Bukod sa DILG, dumalo rin ang Department of Budget and Management, Department of Health, National Disaster Risk Reduction and Management Council at Dangerous Drugs Board.