TINUTUTUKAN ng lokal na pamahalaan ng Quezon City ang unang araw ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) ang pinakamalaking Public Market tulad ng Nepa Q Mart dito sa Baranggay E. Rodriguez, Cubao.
Dinadayo ang pinakamalaking palengke hindi lamang ng mga taga Quezon City kundi maging ng taga ibang lugar sa National Capital Region (NCR) ayon sa mga opisyal ng baranggay.
Layunin ng pamahalaan na malimitahan ang oras ng paglabas at pamimili ng mga tao sa palengke dahil ECQ ngayon kung kaya limitado lamang ang oras sa mga tao sa nasabing palengke sa unang araw ng ECQ.
Mahigpit din na pinapatupad ang mga health protocols sa palengke katulad ng social distancing, pagsusuot ng face mask, at face shield.
Noong hindi pa pinapatupad ang ECQ, 24 hours na bukas ang Nepa Q mart ngunit ngayon magiging bukas na lamang ito mula 4:00am ng umaga hanggang 8:00pm ng gabi.
Mayroong limang entry points ang pamilihan sa palengke at ito ay binabantayan naman ng mga barangay tanod.
Tanging 50% lang ang pinapayagan na makapasok o makapamili sa Nepa Q Mart na may quarantine pass.
Binabawalan dito ang mga bata at mga senior citizen sa palengke.
Ayon naman sa mga may-ari at tindera ng palengke, dahil ECQ ngayon normal na kaunti ang kanilang kostumer at mahina ang bentahan.
Mapapansin naman sa mga mamimili na sumusunod ito sa mga health protocols upang maiwasan ang pagkakahawaan sa naturang variant ng COVID-19.