BUBUKSAN na sa publiko ang bagong Calapan Port Terminal Building sa Calapan City, Oriental Mindoro ngayong araw ng Lunes.
Ayon sa Philippine Ports Authority (PPA), ang bagong Calapan port ang pinakamalaking passenger terminal building sa buong Pilipinas.
Pangungunahan nina Senator Bong Go at PPA General Manager Jay Santiago ang inagurasyon ng nasabing pasalidad.
Nagkakahalaga ito ng P353-M, kaya nitong mag-accommodate ng nasa 3,500 pasahero sa anumang oras ayon sa PPA.
Tampok din dito ang mga pasilidad tulad ng prayer room, breastfeeding station, children’s playroom at clinic.