Pinakamataas na bilang ng mapapalayang bilanggo ng BuCor, posibleng makuha ngayong taon

Pinakamataas na bilang ng mapapalayang bilanggo ng BuCor, posibleng makuha ngayong taon

POSITIBO ang pamunuan ng Bureau of Corrections (BuCor) na makakamit nila ngayong taon ang pinakamataas na bilang ng mapapalayang bilanggo.

Ito ay dahil sa unang 6 na buwan pa lang ng taon ay nakatala na sila ng mahigit sa 3,000 napalaya.

Malaking tulong ayon sa BuCor ang marathon na pagproseso ng Management, Screening, and Evaluation Committee (MSEC).

Ayon kay Asec. Gabriel Chaclag, tagapagsalita ng BuCor, kailangan pa na maparami ang bilang ng mga kawani ng BuCor para mas madagdagan ang mga mag-aasikaso sa mga kinakailangang tugon ng mga Persons Deprived of Liberty (PDL).

Batay sa tala ng BuCor, naitala noong taong 2019 ay pumalo sa mahigit 6,000 na PDL ang nakalaya kung saan ito ang pinakamataas na bilang ng napalayang bilanggo sa kasaysayan.

Follow SMNI NEWS in Twitter