NAITALA noong Biyernes, Enero 20 ang pinakamatas na bilang ng pasahero ng Metro Rail Transit-3 (MRT-3) sa loob ng 2 taon at 7 buwan, mula Hunyo 1, 2020 hanggang Enero 20, 2023.
Ayon sa MRT-3, umabot ng 396,345 pasahero ang sumakay sa linya noong Biyernes.
Bago nito, nasa 389,036 pasahero ang pinakamataas na naiulat ng MRT-3 na sumakay ng linya, sa kasagsagan ng pagpapatupad ng ‘Libreng Sakay’ noong Hunyo 2022.
Sinabi ng pamunuan ng MRT-3 na ang pagtaas ng bilang ng mga pasaherong nabibigyan serbisyo ng MRT-3 ay bunga ng maayos na pangangalaga at rehabilitasyon ng mga bagon at subsystems ng linya.
Sa kasalukuyan, 18 hanggang 21 train sets ang tumatakbo sa linya ng MRT-3 tuwing peak hours.