Pinakamatandang atleta ng Japan, gumawa ng kasaysayan sa Tokyo Paralympic Games

Pinakamatandang atleta ng Japan, gumawa ng kasaysayan sa Tokyo Paralympic Games

PANALO ng gintong medalya ang pinakamatandang atleta ng Japan sa Paralympics games.

Nagwagi ang pambato ng Japan na Si Keiko Sugiura sa women’s C1-3 road cycling time trial sa Tokyo Paralympics ngayong araw at tinaguriang pinaka matandang atleta na nakamit ang gintong medalya sa edad na 50 anyos.

Nagtala si Sugiura ng 25 minuto at 55 segundo sa kanyang laro sa Fuji International Speedway  at gumawa ng  record sa kasaysayan na dating hinawakan ni Takio Ushikubo, na 46 taong gulang ng magwagi sa 71-kilogram division ng Judo noong 1996 Atlanta Games.

Si Sugiura ang pinakamatandang atleta ng Japan at kauna-unahang babaeng siklista na nagwagi ng gintong medalya sa Paralympics at pang-apat naman sa pangkalahatan.

“I could put the plan I had before the race into practice. I wasn’t nervous and managed to race while keeping myself focused. My pace dipped (in the latter half of the race) and I thought I might not make it (to the line first),”ayon kay Sugiura.

“I’m really pleased that I didn’t quit. People around me supported me to continue this sport. Maybe I’ll give motivational talks everywhere on how to win a gold medal at my age,”dagdag nito.

Samantala ang atletang si Shinya Wada na may kapansanan sa paningin ay nagwagi ng silver medal sa kanyang laro ngayong araw sa men’s T11 1,500 meter sa National Stadium.

Nakuha naman ni Yeltsin Jacques ng Brazil ang gintong medalya sa record time na 3 minutes at 57.60 seconds at si Fedor Rudakov ng Russia ang bronze na medalya.

SMNI NEWS