PUMANAW na si Fusa Tatsumi ang 116 na taong gulang na pinakamatandang tao sa Japan.
Si Tatsumi ay pinanganak noong Abril 25, 1907 at ginugol ang kaniyang nalalabing panahon sa buhay sa isang nursing home sa Kashiwara.
Siya ang naging pinakamatandaang tao sa Japan noong Abril ng nakaraang taon kasunod ng pagpanaw ng 119 na taong gulang na babae mula sa Fukuoka.
Hanggang sa buwan ng Enero ngayong taon, ang pinakamatandang babae sa mundo ngayon ay si Maria Branyas Morera mula sa Spain na ngayon ay 116 na taong gulang na ipinanganak naman noong Marso 4, 1907.